Name:
Location: Queenstown, New Zealand

Thursday, August 18, 2005



ANG TUNAY NA "GOYONG"

Siya ang aking idol sa lahat na bayaning Pilipino. Marahil dala ng kanyang kabataan, kakaibang gilas at tapang siya ang tumatak sa aking isipan kapag nababanggit ang katagang "Bayani". Siguro dahil wala tayong mga knights gaya sa mga bansa sa Europa siya ang pinakamalapit dito ang saga o kuwento kaya nakintal sa mura kong kaisipan noong elementary ang kanyang katapangan at kabayanihan. Sa murang gulang na 24 na taon hindi siya natakot at nanghinayang na ibigay ang kanyang buhay para sa simulaing kanyang ipinaglalaban. Sa iyo Heneral Goyong ang tulang ito ay alay ko.

Palapit na ang mga kalabang dayuhan,

Sa talampas nilang kinatatayuan

Buo na ang kanyang loob sa anumang kahinanatnan

Para sa kalayaan ng bayang ipinaglalaban

Kasama ang animnapung piling tauhan

Handa nilang pigilan kalabang makapangyarihan

Dugo man at buhay nila ang maging puhunan

Nag-umpisa na ang labanan

Palitan ng putukan

Dahil sa kanilang katapangan

At magandang kinatatayuan

Dayuhan ay kanilang napigilan

Sa agarang paghabol sa Pangulo niyang pinangangalagaan

Ngunit dahil sa isang katrayduran

Ng isang kapwa nilang pilipinong kumampi sa kalaban

Mga amerikano magandang lugal natagpuan

Unti-unti nalagas kanyang mga matatapang na tauhan

Sa tudla ng mas makabagong armas na kagamitan

Bagamat may pagkakataon na siya ay lumisan

Nanatili si Goyong sa kanyang kinalalagyan

Hinding-hindi niya kaylanman iiwanan tatakasan

Pagkakataong ipagtanggol kapakanan

Ng minamahal niyang inang Bayan.

Pagkatapos ng limang oras na putukan

Limampu't dalawang Pilipino ang namatay o nasugatan

Kabilang si Heneral Goyong na bantayog ng katapangan

Kahit sa huling hibla ng kanyang buhay

Kabataan niya at lahat lahat sa Bansang Mahal kanyang inialay

Bigo man siya ito ay isa na ring tagumpay

Sapagkat sa puso at diwa ng sa kanya ay humahanga

Mananatili siyang buhay at simbolo ng tunay na pagpapahalaga

At pagmamahal sa sariling Bansa.

Sa iyo Heneral Goyong salamat at mananatili kang idol ko

Kahit Maputi na ang buhok ko

At ako ay maging lolo

Buhay mo

Sa mga apo

Ay aking ikukuwento

Upang ikaw ay kanila ring maging idolo.

ISANG MAALAB NA "PAMBANSANG ARAW NG MGA BAYANI" MABUNYING HENERAL!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home