Name:
Location: Queenstown, New Zealand

Tuesday, August 16, 2005

Usong-uso sa blogging world ang tina-tag ka kaya naisipan ko gumawa ng Pinoy Version nito. Tutal tawag nila dito ay "tag" naisip ko salitang kilala ng mga barakong Pilipino "tagay" at ano ang madalas nilang inumin "Kuwatro Kantos" habang nagkukuwentuhan. Isama na rin natin ang hilig natin sa larong may baraha tulad ng tong its, black jack at iba pa kaya naisip ko "Kuwadra de Alas". "TAGAY NG KUWATRO KANTOS PARA SA APAT NA ALAS." Tulad sa blogging world pag tinag ka hindi ka makatanggi ganyan din sa mundo ng inuman sa Pilipinas pag "tinagayan" ka kinakailangang inumin mo ito ng hindi mapahiya ang sa iyo ay nag-alok. Ang kaugaliang ito ng Pilipino ay lalong-lalo ng buhay sa lalawigan ng Quezon na kahit mga babae ay tinatagayan ng lambanog o alak kapag may okasyon at sila ay napipilitang uminom. Kaya dito sa pinoy version natin ng tag kasali lahat at ating "tatagayan" ma lalaki, ma babae, ma third sex man, o opposite sex. Heto na at uumpisahan ko at sa hulihan ay papangalanan ko ang aking apat na alas na tatagayan ko at bahala na silang pumili uli ng apat nilang tatagayan upang makisali sa ating inuman. Panahon na ng "Linggo ng Wika" kaya siguro tamang-tama ang TAGAYAN natin.

APAT NA PINAKADAKILANG PILIPINO:
1. Andres Bonifacio (Tunay na rebolusyonaryo, more of an action man)
2. Gregorio Del Pilar (Hindi nanghinayang sa kanyang kabataan alang-alang sa Bayan)
3. Jose Abad Santos (Bilib ako sa kanyang tapang)
4. Jose Rizal (Kung hindi dahil sa kanya hindi mamumulat ang mga Pilipino laban sa abuso ng dayuhan)

APAT NA PILIPINONG HINAHANGAAN MO SA ANUMANG LARANGAN
1. Sharon Cuneta
2. Jeniffer Rosales
3. Teddy Benigno
4. Ramon Magsaysay Sr.

APAT NA MAGAGANDANG LUGAL SA PILIPINAS NA NARATING MO.
1. Tagaytay (dahil sa lawa at bulkan ng Taal)
2. Isla Sombrero (dahil sa kanyang magagandang corals)
3. Calatagan (Punta Baluarte at Lago De Oro)
4. Cebu (kanyang mga beach at kakaibang ambiance)

APAT NA LUGAL SA PILIPINAS NA GUSTO MONG MAPUNTAHAN
1. Boracay
2. Lugal ng Mayon Volcano
3. Baguio (hindi pa ako nakakarating dito, laging nakagayak pero naiiwanan ako)
4. Davao (Pearl Farm, Mt. Apo, gusto kong makikita ng Philippine Eagle)

APAT NA BAGAY NA PAG-NAKIKITA MO NAALALA MO ANG PILIPINAS.
1. Jeepney (Makakita lang ako ng pics nito naiisip ko agad bansa natin)
2. Christmas Tree (ewan ko ba kung bakit laging Pilipinas ang aking naalala siguro dahil kay saya ng pasko sa atin)
3. Passport ko (obvious naman pasaporteng pinoy pa ako)
4. Tropical fruits tulad ng mangga, pinya at pakwan (pag nasa Supermarket, naalala ko pag namamalengke at nanay ko at ako ay kasama noong bata pa ako).

APAT NA PUTAHENG PILIPINONG PABORITO MO.
1. Kare-kare
2. Adobo
3. Apritada
4. Morcon

APAT NA SALITANG PILIPINO NA KAILANGAN MO NG TALASALITAAN PAG IYONG NARINIG
1. Mapariwara
2. Haliparot
3. Dayukdok
4. Salipawpaw (eroplano)

APAT NA KANTANG PILIPINONG GUSTO MONG MARINIG.
1. Bayan Ko
2. Pambansang Awit
3. Ikaw (George Canseco)
4. Ugoy ng Duyan

APAT NA MATATAMIS NA SALITANG O KATAGANG PILIPINO
1. Sinta
2. Irog
3. Mahal
4. Nililiyag

APAT NA APELYIDO NA PAG IYONG NARINIG NAKAKATIYAK KANG SILA AY PINOY
1. Dimaano
2. Magtibay
3.Sumilang
4. Dimaunahan

APAT NA PANGALANG PINOY NA AYAW MONG IPANGALAN SA IYONG ANAK.
1. Procopio
2. Telesforo
3. Kurdapio
4. Kurdapia

APAT NA LARONG PILIPINO NA NALARO MO NA NG BATA KA PA.
1. Patintero
2. Luksong Tinik
3. Piko
4. Walang kamatayang Bahay-bahayan

APAT NA BAGAY NA AYAW MO SA PILIPINAS.
1. Mga kurakot na opisyales ng gobyerno.
2. Mga trapos
3. Kawalan ng disiplina
4. Kapabayaan sa Environment (maduduming ilog, kalbong kabundukan..)

APAT NA BAGAY NA GUSTO MO SA PILIPINAS
1. Masayahing mga tao.
2. Mga kamaganakan at kaibigan
3. Sa kanya lang talaga ako at home
4. Siya lang talaga ang lugal na alam kong hindi ako dayuhan dahil siya ang aking Inang Bayan.

APAT NA BAGAY NA GAGAWIN MO KUNG IKAW ANG PANGULO NG PILIPINAS.
1. Linisin ang pamahalaan sa mga mangungurakot (pihadong ubos lahat na kawani at mga elected official )
2. Iimplement ang "Sa ikauunlad ng bayan disiplina ang kailangan." (pero hindi Martial law style, Lee Kuan Yew lang ala Singapore)
3. Itigil na muna ang pagbabayad utang upang repasuhin ang mga binabayadan.
4. Bigyan ng pinakamalaking budget ang edukasyon.

APAT NA ALAS NA AKING NAPILING TAGAYAN:
1. KaDyo
2. Ka Uro
3. Jo
4. Tanggero

3 Comments:

Blogger Ka Uro said...

goyong,
galing nitong naimbento mo. bukas sasagutin ko ito.

2:48 AM  
Blogger HarleyQueen said...

This comment has been removed by the author.

12:22 AM  
Blogger HarleyQueen said...

hanga ako sa pilantik ng'yong dila... kahit pa nasa banyagang lupain, puso mo'y di nakalimot sa bansang pinagmulan.

sana marami kang katulad, sana umayos na ang kalagayan ng ating bansa... nang sa ganon ang mga katulad mong tunay na makabayan at makabuluhan ay muling makatapak sa sa bayan nilang pinakamamahal at di na muling lilisan para sa ibang bayan ay makipagsapalaran.

12:25 AM  

Post a Comment

<< Home